Ang bilis ng panahon. Panahon na naman ng pasukan. At ngayon ko lang napansin na ang pagbabalik eskwela pala ay isang indikasyon kung gaano kabilis ang panahon. Kung noong isang taon, isang backpack na lumolobo dahil sa siksikang mga libro at kuwaderno ang bitbit, ngayon ay naka-shoulder bag na si Johanna (ang kapatid ko na ngayon ay nasa ikalawang taon sa high school). Mas kakaunti na ang mga libro at kuwadernong dadalhin niya ngayon, at hindi magtatagal, isa na rin siya sa mga hihiling ng locker sa administrasyon ng kanyang paaralan.
Ang tangkad na ni Johanna, mas matangkad na kaysa kay nanay, at kaunting taon na lang, malamang sa malamang maging mas matangkad pa siya sa akin.
Ang bilis nga naman ng panahon. Dalaga na si Jokaning.
1 comments:
tama ka dyan, ang bilis talaga ng panahon. :D tayo nga, gragraduate na eh. hehe. :D
dati rati, freshie palang tayo. hay naku! :)
goodluck talaga sa atin!
Post a Comment